Ang mga “christians” naniniwala sa pagka-Diyos ng Panginoong Jesus…pero hindi sila naniniwala na “Ina ng Diyos” ang Birheng Maria.
Ang Panginoong Jesus ay isang persona na may dalawang kalikasan.
Ang kalikasang ito ay:
Kalikasan ng Diyos (Divine Nature)
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. (John 1:1)
Who being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God. (Phil. 2:6)
For in him dwelleth all the fulness of the Godhead corporeally…(Col. 2:9)
But to the Son: Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of justice is the sceptre of thy kingdom. Thou hast loved justice, and hated iniquity: therefore God, thy God, hath anointed thee with the oil of gladness above thy fellows. And thou in the beginning, O Lord, didst found the earth: and the works of thy hands are the heavens. (Heb. 1:8-10)
Kalikasan ng Tao (Human Nature)
But all things whatsoever John said of this man, were true. And many believed in him. (John 10:41)
For ther is one God, and one mediator of God and men, the man Christ Jesus. (1 Tim. 2:5)
Every spirit which confesseth that Jesus Christ is come in the flesh, is of God. (1John 4:2)
Ang isinilang ng Mahal na Birhen ay persona, hindi kalikasan. Nang isilang niya ang Panginoong Jesus, isinilang niya ang Persona ng Panginoong Jesus na may dalawang kalikasan, Diyos at Tao.
Bilang paghahalintulad, ang tao ay binubuo ng kaluluwa at katawan. Ang isang tao ay isang persona. Kapag isinisilang ang isang tao ng kanyang ina, isinisilang siya bilang persona, binubuo ng kaluluwa at katawan.
Nagmumula ang kaluluwa sa Diyos. Nagmumula naman ang katawan sa mga magulang. Pero iisang persona ang isinisilang.
Ang Panginoong Jesus ay Ikalawang Persona ng Diyos (Santisima Trinidad), at nagmula sa Mahal na Birhen ang kanyang katawan…sa Mahal na Birhen lang.
Tinatawag ng mga “christians” ang Birheng Maria na “earthly mother” o “biological mother” ng Panginoong Jesus…kahit wala namang nakasulat na “earthly mother” at mas lalong walang nakasulat na “biological mother” sa Biblia. (Tandaan na isa sila sa mga nagsasabing wag daw magdadagdag ng hindi naman nakasulat sa Biblia)
Iisang (Panginoong) Jesus lang ang isinilang ng Birheng Maria, ang Jesus na Diyos at Tao.
“Earthly mother” ang terminolohiya na ginagamit ng mga “christians” para sabihing ang Birheng Maria ay ina ng (Panginoong) Jesus sa kanyang pagiging tao. Ang kaso, wala namang “heavenly mother” ang Panginoon para kilalanin bilang kanyang ina sa kanyang pagka-Diyos.
Ina ng Diyos.
Ina, dahil sa kanyang pagkakatawang Tao kinailangan (o mas magandang sabihin na pinili ng Diyos na kailanganin) niya ng isang ina na magbibigay sa kanya ng kalikasan ng tao.
ng Diyos, dahil nanatili siyang Diyos kahit siya ay nasa pagkakatawang tao.
Maraming tumutuligsa sa titulong “Ina ng Diyos” ng Birheng Maria dahil daw lalabas na nauna pang nag-exist ang Mahal na Birhen bago ang Diyos.
Pero kung papansining mabuti, sino bang nagpipilit na “naunang nag-exist ang Mahal na Birhen kaysa sa Diyos” ang kahulugan ng “Ina ng Diyos”? Ang mga “christians” at ang mga kaisa nila sa pagtuligsa sa Simbahang Katoliko.
Walang ganung turo ang Simbahan. Ipinipilit lang iyon ng mga tumutuligsa.
Malinaw na ang itinuturo ng Simbahang Katoliko (at ng Biblia) ay ang Incarnation o Pagkakatawang Tao ng Ikalawang Persona ng Diyos.
I believe…in Jesus Christ, His (the Father’s) only Son, Our Lord; who was conceived by the Holy Ghost, born of the Virgin Mary… (Apostles’ Creed)
We believe in one Lord, Jesus Christ, the only Son of God, eternally begotten of the Father, God from God, light from light, true God from true God, begotten, not made, of one Being with the Father; through him all things were made. For us and for our salvation he came down from heaven, was incarnate of the Holy Spirit and the Virgin Mary and became truly human. For our sake he was crucified under Pontius Pilate; he suffered death and was buried. On the third day he rose again in accordance with the Scriptures; he ascended into heaven and is seated at the right hand of the Father. He will come again in glory to judge the living and the dead, and his kingdom will have no end. (Nicene Creed)
Hindi naunang nag-exist ang Mahal na Birhen sa Diyos….nagkatawang tao ang Diyos. Yan ang itinuturo ng Simbahan.
Ang pagkakilanlan ng mga Kristiyano sa Mahal na Birheng Maria na “Ina ng Diyos” ay nakabatay sa pagkakakilanlan kay Kristo bilang Diyos na nagkatawang Tao.
Ang katuruan ng Simbahan tungkol sa Birheng Maria bilang “Mother of God” ay nakabatay sa turo ng Simbahan na “Incarnation”.
Ito ay katulad ng pagkakakilanlan sa mga Kristiyano bilang mga “Kristiyano” (mga taga-sunod ni Kristo)…nakabatay sa pagiging Kristo ng Panginoong Jesus.
Tulad sa pagiging “Templo ng Diyos” ng mga Kristiyano, nakabatay sa pagiging Diyos ng Espiritu Santo.
Ang identity ng Birheng Maria at ng mga Kristiyano ay nakabatay sa identity ni Kristo.
What the Catholic faith believes about Mary is based on what it believes about Christ, and what it teaches about Mary illumines in turn its faith in Christ. (Catechism of the Catholic Church #487)
Kung ihihiwalay ang Birheng Maria sa Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang tao, mawawala sa kanya ang pagiging “Ina ng Diyos”.
Kung ihihiwalay ang isang Kristiyano sa Panginoong Jesus, mawawala ang kanyang pagiging Kristiyano.
Maraming “christians” ang naniniwala sa Pagka-Diyos ni Cristo ayon sa Biblia, pero hindi sa pagiging “Ina ng Diyos” ni Maria kahit na nakasulat ito ng malinaw sa Biblia…
And whence is this to me, that the mother of my Lord should come to me? (Luke 1:43)
For who is God but the Lord? Or who is God but our God? (Psalm 17:32)
One Lord, one faith, one baptism. (Ephesians 4:5)
Kung hirap maniwala sa nakasulat sa Biblia, samahan natin ng logic…
If Mary is the Mother of Jesus (Luke 1:31, Mat. 1:18,21)
And Jesus is God (Col. 2:10, Heb. 1:8-10, Phil. 2:5-6, John 1:1)
Therefore, Mary is the Mother of God. (Luke 1:43, Psalm 17:32, Eph.s 4:5)
Maraming “christians” ang nagsasabi na ang Birheng Maria ay isa lamang nilalang, at hindi kailanman ang Diyos (remember, naniniwala ang mga “christians” sa Divinity of Christ) mapapasailalim sa isang nilalang.
Naniniwala sila sa Divinity of Christ at Incarnation pero stumbling block para sa kanila ang Mother of God.
Pero Biblia na (Biblia na pilit ipanagduduldulan sa mga Katoliko na sila lang ang marunong bumasa) ang nagpapakita na ginawa ng Diyos sa magpasailalim sa kanyang nilalang na si Maria….
And he went down with them, and came to Nazareth, and was subject to them. And his mother kept all these words in her heart. (Luke 2:51)
Stumbling block para sa mga “christian” ang Diyos na nagpasakop sa kanyang taong Ina (at ama)…kahit sila pa mismo ang nangangaral ng tungkol sa Pagkakatawang Tao ng Panginoong Jesus.
Ibig sabihin hindi lang Crucifixion ang stumbling block (at foolishness ayon sa 1Corinthians 1:18,21-25), pati Incarnation. At ang masaklap, stumbling block at foolishness ito sa mismong mga taong nangangaral nito…mga “christians”.
Minsan, gusto pang palabasin ng mga “christians” (kaisa nila ang mga sektang mapantuligsa) na hindi kinilala ng Panginoong Jesus bilang Ina ang Birheng Maria dahil sa pagtawag niya ng “Babae” dito at hindi “Ina”…
And Jesus said to her: Woman, what is that to me and to thee? My hour is not yet come. (John 2:4)
…at dahil sa pagsasabi ng Panginoon na…
Who is my mother and my brethren? And looking round about on them who sat about him, he saith: Behold my mother and my brethren. For whosoever shall do the will of God, he is my brother, and my sister, and mother. (Mark 3:33-35)
Ibig sabihin, nagkaroon nang di-pagkilala (disown) ang Panginoong Jesus sa kanyang Ina.
Sabi nila yun.
Palalabasin nilang bastos na Anak ang Panginoong Jesus mapabulaanan lang nila na ang Birheng Maria ay “Ina ng Diyos”. Ang Panginoong Jesus ay naparito upang ganapin ang kautusan (Mat. 5:17). At isa sa mga Utos ng Diyos ang “Igalang mo ang iyong ama at ina”. Ang di pagkilala sa iyong mga magulang sa publiko ay isang kabastusan…isang bagay na hindi gagawin ng Panginoon.
Hindi na nakapagtataka kapag ganoon na lang bastusin ng mga “christians” ang Birheng Maria sa harap ng mga Katoliko dahil ang kilala nilang “Jesus” ay isang bastos na anak….tulad nila.
Kaya yung mga dating Katoliko na ang tawag sa Birheng Maria ay Mama Mary, nung naging “christian” Maria na lang ang tawag (at kung anu-ano pang kalapastanganan ang sinasabi tungkol sa Birheng Maria). Nakakilala kasi kay “Jesus Christ”, tinanggap as Lord and Savior. Yun nga lang yung nakilala at tinanggap niyang “Jesus Christ” e yung bastos na anak na “Jesus Christ”. Kung bastos sa sariling Ina ang “Panginoon” tutularan siya ng kanyang mga taga-sunod at babastusin din ang kanyang Ina.
Ang Ina ay ina. Tawagin man siyang nanay o hindi na kanyang anak, hindi maiaalis ang katotohanang ang babaeng nagsilang ay ina.
Dahil ang Mahal na Birhen ang nagsilang sa Panginoong Jesus, hindi maiaalis ang katotohanang siya ay Ina. At dahil siya ay sumunod sa kalooban ng Diyos, lalong pinagtibay ng Panginoong Jesus na si Maria ang kanyang Ina. Na si Maria ay karapat-dapat na kilalanin niyang Ina.
“And Mary said: Behold the handmaid of the Lord; be it done to me according to thy word.” (Luke 1:38)
Hindi kailanman binastos o nilapastangan ng Panginoong Jesus…ng tunay na Jesus, ang kanyang Ina. Hindi siya nagkasala kailanman, kahit ng paglapastangan sa sariling Ina.
For we have not a high priest, who can not have compassion on our infirmities: but one tempted in all things like as we are, without sin. (Hebrews 4:15)
Ang pagiging “Ina ng Diyos” ng Mahal na Birheng Maria ay hindi paglalagay sa kanya sa pedestal kapantay ng Diyos, tulad ng sinasabi ng mga “christian”. Ito ay fullness of grace. Biyaya sa kanya ng Diyos ang karangalang maging Ina ng Ikalawang Persona ng Santisima Trinidad.
Pinarangalan siya ng Diyos, hindi masamang parangalan siya ng mga Kristiyano.
“He that honoureth his mother is as one that layeth up a treasure.” (Ecclesiasticus 3:5)