Biyernes, Pebrero 16, 2018

PAGTAWAG NG 'FATHER' SA MGA PARI


PAGTAWAG NG 'FATHER' SA MGA PARI 
BY: BRO. ADONIS V. TUNGCAB
.
Ito ang isa sa madaming objection,tuligsa ng mga iba't ibang sekta protestante, na masama at bawal daw tawaging father,padre,Fr. ang mga pari, ipapakita nila ang isang talata sa biblia (Mateo 23:9) para patunayan ang kanilang tuligsa...
.
Mateo 23:9 (Salita ng Diyos) "Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit."
.
Matthew 23:9 (New International Version) "And do not call anyone on earth 'father,' for you have one Father, and he is in heaven."
.
Ang unawa ng mga iba't ibang sekta dito ay nalabag daw natin ito dahil tinatawag nga naman nating Father/Padre ang mga pari, at itong mga pari naman ay nagpapatawag naman sa atin ng "Father.".
.
May iba ding Anti-Catholicong protestante na kakaiba ang akusasyon, sila ang INC™ ang tuligsa nila ay ang ang mga Pari at Pope daw ay "Ama ng Kaluluwa", dahil lamang sa ginagamit nilang referencia mula sa aklat katoliko, at ikokonecta nila sa isang talata (Ezekial 18:4) sa biblia, kaya nagmukhang ipinantay tuloy ng Pope ang sarili sa Dios.
.
ating iisa-isahin sagutin ang kanilang akusasyon at tanong...
.
❶ LABAG DAW SA BIBLIA SA (MATEO 23:9)?
❷ KATUMBAS DAW ITO SA PAGIGING 'AMA NG KALULUWA' NG DIOS? SA (EZEKIEL 18:4)?
❸ BAKIT NGA BA TINATAWAG NA 'FATHER'?
.
.
■ (1) LABAG DAW SA BIBLIA SA (MATEO 23:9)?
.
► SAGOT (#1): Ang problema sa mga iba't ibang sekta na ito eh literal nila inuunawa ang verso sa biblia, at gagamiting bilang akusasyon laban sa mga Catholico.
.
kung ganun lang din naman eh wag na silang tumawag ng Ama/Papa/ sa kanilang mga tatay.
.
dahil sabi nga kasi ng verse "huwag ninyong tawaging ama ang SINOMANG TAO SA LUPA..." eh yung tatay nila ng mga protestanteng ito, tao yun, nasa sa lupa din, so sila pala ang naunang lumabag sa talatang (Matteo 23:9) sa biblia, kung literal na interpretasyon ang kanilang pinaiiral.
.
► SAGOT (#2): chop-chop din ang pinagkunan nila ng talata sa biblia, dapat binasa din nila ang mga katabing verse [8] at [10]
.
ito completohin natin, isama natin ang mga katabing verses na katabi lang ng ginagamit nilang talata laban sa atin...
.
Matthew 23:8-10 (Good News Bible) “YOU MUST NOT BE CALLED 'TEACHER,' because you are all equal and have only one Teacher. [9] And you must not call anyone here on earth 'Father,' because you have only the one Father in heaven. [10] “YOU MUST NOT BE CALLED 'TEACHER,' because you are all equal and have only one Teacher.
.
Mateo 23:8-10 (Salita ng Diyos) “HUWAG KAYONG PATAWAG SA MGA TAO NA GURO sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo, at kayong lahat ay magkakapatid. [9] Huwag ninyong tawaging ama ang sinuman dito sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama na nasa langit. [10] HUWAG KAYONG PATAWAG NA MGA PINUNO sapagkat iisa ang inyong pinuno, si Cristo.”
.
see? alam naman nating may mga tao tayong tinatawang na guro (TEACHER) sa skwelahan,
.
at may tinatawag din naman tayong mga pinuno (LEADER) sa isang grupo, hukbo, pamayanan o gobyerno.
.
kaya lalabas na sumusuway din pala itong mga Anti-Catholicong protestante sa utos ni Cristo kung isasama nila ang mga katabing talata at LITERAL din nilang uunawain ito.
.
ang mga katabing talata ay iniiwasan nila, siempre, kukunin lang nila ang contexto na ibabato nila, pero ang katabing contexto na tatama din sa kanila ay iniiwasan nila.
.
This proves, anti-catholic protestants are guilty and committed much of this violation on the verses [8] & [10] for using those word, which also contradicts them in a real life. Thus, by reading (Matthew 23.9) on a literal sense and without reading its surrounding (neighboring) passages is absolutely wrong and can be called, cherry picking of context.
.
► SAGOT (#3): kung sinabi ni Cristo na bawal tagawaging AMA sinong mang tao dito sa lupa, (Mateo 23:9) eh may dahilan yan kung bakit nya ito sinabi.
.
para malaman, ituloy lang ang pagbasa hanggang sa ika verse [12] - [13] malalaman na ang mga Pareseo at Scriba nuon ang pinatatamaan ni Hesus at kung bakit sila pinatatamaan sa kanyang pahayag sa verse[8]-[10]
,
Matthew 23:12-13 (New Jerusalem Bible)
[12] “ANYONE WHO RAISES HIMSELF UP WILL BE HUMBLED, and anyone who humbles himself will be raised up.
[13] 'Alas for you, scribes and PHARISEES, YOU HYPOCRITES! You shut up the kingdom of Heaven in people's faces, neither going in yourselves nor allowing others to go who want to.
.
Mateo 23:12-13 (Salita ng Diyos)
“Ang sinumang magtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at ang sinumang magpapakumbaba sa kaniyang sarili ay itataas. [13] Ngunit sa aba ninyo, mga guro ng kautusan at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Ito ay sapagkat isinasara ninyo ang paghahari ng langit sa harap ng mga tao. Hindi kayo pumapasok at ang mga pumapasok ay inyong hinahadlangan.”
.
malinaw, pinapatungkulan ni Hesus ("call no mans father") ang mga HAMBOG at NAGMAMATAAS NA pareseo at scriba nuon
.
tinatawag silang AMA ng mga tao, pero nag mamataas naman sa kanilang tungkulin, sila ay nag yayabang at hambog at yan ang kinocondina ni Cristo Hesus ang pagigigng mapang-ibabaw o mapagmataas na HINDI karapat dapat sa kanila bilang AMA at GURO sa lipunan ng mga Judio nuon.
.
yan ang buong storya ng (Matthew 23), dapat binabasa ang buong storya, kasi kung chop-chop at literal pang inuunawa eh maliligaw lang sila ng interpretasyon sa biblia. at lalabas pati na contra-contra na din ang biblia dahil lang sa ipinagbabawal ni Hesus, tapos ang mga disipolos nya din pala nya ang lalabag, kagaya ng ipapaliwanag sa (SAGOT#3) hanggang #7, basahin natin...
.
► SAGOT (#3): Si apostol San Juan sinulatan nya ang mga mangangaral na kapatid sa Ephesus, tinawag nya sila bilang "FATHERS" o sa tagalog, "MGA AMA"
.
1 JOHN 2:13 (New American Bible) “I am writing to you, FATHERS, because you know him who is from the beginning. ......”
.
1 JUAN 2:13 (Magandang Balita BIblia) "Sumusulat ako sa inyo, MGA AMA, sapagkat nakikilala ninyo siya na sa simula pa'y siya na....."
.
Napakalinaw, nilabag ba ni apostol San Juan ang sinabi ni Hesus sa (Mateo 23:9)? siempre hindi po, dahil alam nya na ang mga mangangaral sa Ephesus ay hindi mapag taas o hindi hambog hindi tulad ng mga Phariseo na kausap ni Hesus sa (Mateo 23:1-14)
.
► SAGOT (#4) Heto pa, mismo si Mikas direktang tinawag nyang ama ang isang pari. ikinapipt nya ang salitang "ama" sa isang pari levitico.
.
Judges 18:19 (New Jerusalem Bible) 'Be quiet,' they replied. 'Put your hand over your mouth and come with us, and become OUR FATHER AND PRIEST. Are you better off as domestic priest to one man, or as priest to a tribe and clan in Israel?'
.
napakaganda ng sinabi ni Mikas, hindi lang basta kung sino lang ang tinawag nyang ama dito, kundi may tungkulin ang tinawagan nyang "ama" sa taong ito, at yun ay ang pari levitico. Tulad din ng mga Catholico tinawag na ama/father ang mga pari.
.
► SAGOT (#5) Kahit si apostol San Marcos, eh tinawag nya din si David bilang aming Ama, gayong napakatagal ng patay si David bago pa ipinanganak si San Marcos.
.
Mark 11:10 (New Jerusalem Bible) Blessed is the coming kingdom of DAVID OUR FATHER! Hosanna in the highest heavens!'
.
► SAGOT (#6) Si Elias na isang propeta ay tumawag na "ama" kay Eliseo na isa ding propeta:
.
2 Hari 2:12 (Magandang Balita Biblia) "Kitang-kita ito ni Eliseo, kaya't napasigaw siya: “AMA KO! AMA KO! Magiting na tagapagtanggol ng Israel!” At nawala na sa paningin niya si Elias."
.
2 Kings 2:12 (New American Bible) "and Elisha saw it happen. He cried out, “MY FATHER! MY FATHER! Israel’s chariot and steeds!” Then he saw him no longer. He gripped his own garment, tore it into two pieces,"
si Eliseo din na ito ay tinawag ding ama ng hari ng Israel.
.
2 Hari 6:21 (Ang Dating Biblia)" At SINABI NG HARI sa Israel KAY ELISEO, nang makita niya sila, AMA KO, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila? "
.
2 Kings 6:21 (Douay-Rheims Bible) "And the KING OF ISRAEL SAID TO ELISEUS, when he saw them: MY FATHER, shall I kill them?"
.
► SAGOT (#7) at panghuli, si San Steban ang batang disiplulo ni Hesus at ng mga apostol, ay tinawag nya ang mga Judiong Pari bilang mga kapatid at mga Ama.
.
Acts 7:1-2 (New American Bible)
[1] Then the HIGH PRIEST asked, "Is this so?"
[2]“And he replied, "MY BROTHERS AND FATHERS, listen. The God of glory appeared to our father Abraham while he was in Mesopotamia, before he had settled in Haran,”
.
See? Pinahayag nya ito sa mga matataas Judiong Pari bilang Ama kasi nga sila ay Ama sa pananamapalataya ng mga Judio. Tinawag nya din nya sila bilang mga kapatid. Eh hindi ba’t tulad lang din yan sa mga Pari na hindi lang sila mga ama sa pananamapalataya kundi sila din ay ating mga kapatid sa pananampalataya?
.
► CONCLUSION: Kaya, lahat ng iyan, ay tulad lang din ng mga pari, walang masamang tawaging (Ama o Father o Padre), gaya ng pag tawag ni apostol San Juan na mga Ama sa (1 JOHN 2:13) at pati ni apostol San Pablo sa (ACTS 7:2), ni San Marcos sa (Mark 11:10) at ni San Steban sa (ACTS 7:1-2) , silang lahat ay tumawag din na AMA sa mga tao dito sa lupa na hindi naman nila kadugo, pinaparating lang nito na ang tinatawagan nila ay mga Ama ng pananamapalataya, ganyan din sa mga Catholico na tumatawag na Father sa mga Pari ay pinaparating lang nito na sila ay Ama ng pananampalataya.
.
.
.
■ (2). KATUMBAS DAW ITO SA PAGIGIGNG 'AMA NG KALULUWA' NG DIOS? SA (EZEKIEL 18:4)?
.
Itong argumentong ito ay exclusivo lamang na issue ng mga INC sa mga Pari Catholico, dahil sila ang nagpasimuno ng akusasyong ito, "AMA NG KALULUWA" sa mga Pari ay nagpapaka Dios daw.
.
eto basahin muna natin ang atake at paninira ng mga INC™ na ginamitan pa nila ng referencia mula sa Catholic Book, tapos idudugtung pa sa biblical verse (Ezekiel 18:4) para palabasing tama ang kanilang akusasyon tungkol sa "Ama ng Kaluluwa" issue.
.
● INC OBJECTION : [ Ang Papa at paring Katoliko ay nakikipantay sa Amang Dios na nasa langit, sa papaanong paraan sila nakikpantay?
.
Bilang patunay, isang aklat Katoliko na sulat ng isang pari, dito tahasang inaming ang Papa nila ay tinatawag na `AMA NG KALULUWA`
.
"At ang Santo Papa(Ama) ay ang pinakamataas na AMA NG ATING KALULUWA dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. 'At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." (Mula sa aklat Katoliko, "Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang Sektang Protestante", page 26)
.
malinaw ang pahayag sa referencia na galing sa aklat Katoliko, dito tahasang tinawag ang Papa ng Iglesia Katolika bilang `AMA NG KALULUWA` at samantalang sa biblia, tanging Dios Ama lamang ang 'Ama ng Kaluluwa.' ng lahat.
.
Ezekiel 18:4 (Ang Dating Biblia-1905)
"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay."
.
ayon sa talata, ang Ama, sakanya ang lahat ng bagay, kasama ang kaluluwa ng ating mga ninuno at ng mga binhi(pinaka anak-anak nito), dahil sya pinagmulan ng lahat ng bagay pati na ang mga kaluluwa, kaya ang Dios ang "Ama ng kaluluwa", wala ng iba.
.
eh anong ginawa ng Papa nyo? inangkin nya na sya ang Ama ng kaluluwa, na ayon sa biblia ay tanging Dios lamang ang 'Ama ng Kaluluwa.' ng lahat, kaya lumalabas na ang Papa ay nakikipantay sa Dios. Yan ang pagiging isang batayan ng pagiging bulaang propeta ]
.
► SAGOT (#1) Sadyang mali lang talaga ang interpretasyon ng mga Iglesia ni Manalo dito sa talata, eh malinaw naman ang referenciang kinuha nila, binaggit ay ang "AMA NG ATING KALULUWA DITO SA LUPA" hindi po sinasabing, "AMA NG ATING KALULUWA DUON SA LANGIT"
.
kuuuuung ang nakasulat dyan ay pinakamataas na ama ng ating kaluluwa duon sa langit, tama at pasok ang akusasyon ng mga Iglesia ni Manalo.
.
pero hindi eh, malinaw ang nakasulat "dito sa lupa" at HINDI sa "langit"
.
► SAGOT (#2) Ang ginamit at pinag pipiplitang referencia na sinasabing AMA NG KALULUWA ang Pope, ay originally nakasulat sa wikang English? (The Church of Christ and various Protestant sects) na kung saan SPIRITUAL FATHER ang nakasulat. at hindi FATHER OF SOULS.
.
"The holy Pope is the most spiritual Father here on earth, for he is vicar of our Lord, and since priests brings spiritual things in our soul through the administration of sacraments, they too call as spiritual fathers "
.
kaya walang kinalaman yan sa biblical verse na (Ezekiel 18:4)
.
simpleng pagtagalog sa isang refernciang mula sa English ay mali-mali pah.
.
dagdag lang ang salitang "kaluluwa" dahil tinagalog ng mga ministro ang contexto sa referencia para makapanloko ng mga inocenteng Catholico na mapapaanib lang nila.
.
ni minsan hindi namin tinatawag o ni view man na ang mga Pari o ang Pope na Ama ng Kaluluwa, kundi madalang lamang maririnig na tinatawag sa kanila ay "Spiritual Father" o "Spiritual na Ama sa pananamapalataya"
.
bakit kaya nila pinag pipilitan ang FATHER OF THE SOULS o AMA NG KALULUWA eh gayong ang buong simbahang Catholica ay "SPIRITUAL FATHER" ang view namin sa Pope at Pari ?
.
At bakit din kaya HINDI gumamit ang mga ministro ng Iglesia ni Manalo ng english Catholic books na may naka sulat na "FATHER OF THE SOULS" ?
.
kasi mabubuking sila na ang wala talagang Father of Souls na ikinakapit sa mga pari at Pope kundi puros "Spiritual Father" lamang.
.
Therefore, hindi valid na gamitin nila ang (Ezekiel 18:4) gayong hindi naman talaga Father of Souls ang tawag sa mga pari at Pope.
.
sadyang wala sa hulog ang atake ng mga Igelsia ni Manalo. nagagawa nilang paglaru-laruin ang mga wordings para umayon sa kanilang akusasyon.
.
► SAGOT (#3) Kung susuriin natin ang talatang wala sa hulog na pag gamit ng talata, completohin natin ang contexto ng talata.
.
Ezekiel 18:3-4 (NASB)
[3] "As I live," declares the Lord GOD, "you are surely not going to use this proverb in Israel anymore." [4] "Behold, all SOULS are Mine; the soul of the FATHER as well as the soul of the son is Mine. The soul who sins will die.
.
- walang binaggit na "Father of Souls" dito.
- ang nag sasalita sa talata ang mismong ang DIOS, NA SINASABING lahat ng buhay (kasama ang kaluluwa) ay sa kanya,
.- samakatuwid, HINDi yan tumutukoy sa pag tawag bilang "Spiritual Father" na syang tunay na itinatawag sa Pope at sa mga Pari 'Spiritual Father' at hindi "Father of Soul" / Ama ng Kaluluwa,
.
► SAGOT (#4) Pero bakit nga ba tinatawag na Spiritual Father ang Pari at Pope?
.
ang pagiging spiritual Father sa biblia ay walang mali, kahit mga apostol at iba pang karakter sa biblia ay maging sila ay naging at tinawag na Ama, saang ama? Sa spiritual na bagay, pananampalataya, pagtuturo at evangelio . Kaya sila ay spiritual Father.
.
Ang mga Pari Catholico ay ganun din. Sila ay spiritual Father. sila ay ama pag dating sa mga spiritual matters tulad ng pangangaral, pananampalataya at evengelio.
.
Gaya ng nakasaad sa ibang salin ng biblia, na si apostol San Pablo inari nya sa kanyang sarili bilang Spiritual Father.
.
Philemon 1:10 (Good News Bible)
“So I make a request to you on behalf of Onesimus, who is my own son in Christ; for while in prison I HAVE BECOME HIS SPIRITUAL FATHER.”
.
Heto pa...
.
1 Peter 2:5 (New Jerusalem Bible)
"so that you, too, may be living stones MAKING A SPIRITUAL HOUSE AS A HOLY PRIESTHOOD to offer the spiritual sacrifices made acceptable to God through Jesus Christ."
.
kung ang spiritual house ay tumutukoy sa templo/bahay sambahan o "simbahan", eh ano ang tawag sa holy priesthood na nasa loob ng spiritual house? logically, "Spiritual Father" po..
.
kaya nga ayon kay apostol San Pablo na ang diwa o "spirito" ay ikinapit din sa pananampalataya ng isang tao, basahin natin...
2 Corinthians 4:13 (New International Version)
"It is written: "I believed; therefore I have spoken." Since we have that same SPIRIT OF FAITH, we also believe and therefore speak,"
.
2 Corinthians 4:13 (King James Bible) “We having the same SPIRIT OF FAITH, according as it is written, I believed, and therefore have I spoken; we also believe, and therefore speak;”
.
Malinaw binaggit “Spirito ng pananampalataya”, DAHIL nga spirito ay bahagi ng pananampalataya, o diwang spiritual na patungkol sa ating paniniwala.
.
kaya kung ang Pari man ay tinawag na "Spiritual Father", ibigsabihin lang nito sya ay "Ama sa pananamapalataya"
heto pah.
.
1 Corinthians 12:9 (King James Bible) “To another FAITH BY THE SAME SPIRIT; to another the gifts of healing BY THE SAME SPIRIT;”
.
dito, pareho lang ang pananampalataya sa spirito.
.
so kung ang Pari na tinatawag na Father(Ama), ay nagtututuro ng bagay tungkol sa pananampalataya, meaning, nagtuturo sya ng bagay spiritual. Kaya it is the same of calling the priests as “spiritual father”, ang Pari na iyon ay “spititual Father”
.
.
.
■ (3). BAKIT NGA BA TINATAWAG NA 'FATHER'?
.
► SAGOT (#1) kung bakit tinatawag ang Pari bilang (Ama o Father o Padre), dahil sila ay humuhubog at nagpupuno at nangangaral patungkol sa spiritual na pananamapalataya sa atin, at dahil dito, nararapat lamang sila tawaging Ama.
.
Gaya ng mga halimbawa, Ama ng panitikan, Ama ng sining, Ama ng skultura, ang mga ito ay ikinakabit sa ilang personalidad.
.
walang pinagkaiba yan sa biblia, Ang pagiging Ama ay maari ding tumukoy sa pagkakaroon ng espesyal na relasyon, gaya ni Job sa mga mahihirap:
(Job 29:16 - Magandang Balita Biblia). "NAGSILBI AKONG AMA ng mga mahihirap,kahit di ko kilala ay aking nililingap."
.
(Job 29:16 - Douay-Rheims Bible) "I WAS FATHER OF THE POOR: and the cause which I knew not, I searched out most diligently."
.
Ngayon, bakit naging ama si Job sa mga mahihirap? yan ay dahil may espesyal sya na RELASYON , naging malapit sa mga dukha o kapos palad. kaya sya ay naging Ama sa mga mahihirap.
.
Tulad ng mga Pari Catholico ay may espesyal na relasyon sa atin, at yun ay mangaral tungkol sa pananamapalataya, kaya sila ay naging ama sa pangangaral nila sa mananampalatayang Catholico.
.
Tulad din sa biblical na karakter na si Abraham, derekta tinawag syang "Ama" kakabit(kadikit) lang ng kanyang pangalan. ito ay ilang ulit tinawag sa biblia
.
Luke 1:73 (New International Version) “the oath he swore to our FATHER ABRAHAM:”
.
Luke 16:30 (New International Version) 'No, FATHER ABRAHAM,' he said, 'but if someone from the dead goes to them, they will repent.'
.
John 8:39 (NIV) ABRAHAM IS OUR FATHER, they answered. "If you were Abraham's children," said Jesus, "then you would do the things Abraham did.
.
Acts 7:2 (NIV) To this he replied: "Brothers and fathers, listen to me! The God of glory appeared to our FATHER ABRAHAM while he was still in Mesopotamia, before he lived in Haran.
.
Romans 4:18 (NIV) “Against all hope, ABRAHAM IN HOPE BELIEVED AND SO BECAME THE FATHER OF MANY NATIONS, just as it had been said to him, "So shall your offspring be."
.
Ngayon, bakit sya tinawag na Ama?
.
Kung mababasa natin ang (Genesis 17:5) sya ay ginawa ng Dios bilang “ama ng lahat ng nasyon”,
.
pero may purpose o pinaka dahilan yan kung bakit sya ginawang Ama ng lahat ng nasyon ng DIos.
.
Hebrews 11:11 (NIV) "BY FAITH ABRAHAM, even though he was past age--and Sarah herself was barren--WAS ENABLED TO BECOME A FATHER BECAUSE HE CONSIDERED HIM FAITHFUL who had made the promise."
.
Malinaw, dahil sa pananampalataya sya ay naging Ama ng mga Israelita nuon.
.
Kaya ganun din po ang mga Pari, na humuhubog at nagpupuno at nangangaral patungkol sa spiritual na pananampalataya ay nararapat lamang din tawaging "father"
.
At dahil dito, ay HINDI masama at WALANG paglabag sa biblia ang pagtawag na (Ama o Father o Padre), sa ating mga Pari.
.
Kaya, ang mga Pari ngayon ay tulad lang ni Abraham ay walang masama tawaging Ama, o ikabit ang salitang (Ama o Father o Padre) sa kanilang mga pangalan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Biblia, Tradisyon ug Autoridad sa Santa Iglesia

Biblia, Tradisyon ug Autoridad sa Santa Iglesia Panudlo sa Sta. Iglesya  - Ang Sta. Iglesya gihatagan ni Cristo sa bugtong katungod sa pa...