Iglesia ni Cristo converted to Catholicism
Akala Ko Aral ng Demonyo – Aral Pala ni JesuCristo
Ako po si Cirilo Estampa; 47 taong gulang; ipinanganak ako sa Batoan Bohol; ang ama ko ay si Favian Estampa at ang ina ko ay si Valintina Estampa pawang mga Katoliko. Akoy nabinyagan sa simbahang Katoliko noong sanggol palang po ako.
Ako poy lumaki na ang alam ko lang sa pagiging Katoliko ay ang pagpanguros (Sign of the Cross) at kaunting aral nito sapagkat ang mga magulang ko ay hindi relihiyoso o hindi pala simba. At hindi rin ako pala simba noong Katoliko palang po ako.
-PAGIGING KASAPI NG IGLESIA NI CRISTO (MANALO)-
Sa gulang po na isa hanggang sa dalawampu’t anim ako po ay isnag Katoliko na walang alam sa mga toro ng Biblia o sa madaling salita ignorante po ako sa aral ng Katoliko maliban po sa kaunting aral nito tulad ng pagpanguros (Sign of the Cross).
Taong 1986-1987 ako poy nag-aral ng Auto Mechanics and Driving Course (AMD) sa paaralan ng Bohol Institute of Technology doon po sa Tagbilaran Bohol. Ito poy isang one-year course lang kasi ito lang po ang kaya ng mga magulang ko.
Sa kapanahunan ng pag-aaral ko sa kolehiyo ako poy nanirahan sa kamag-anak namin sa Tagbilaran Bohol. Ang kaanak na natirhan ko ay isang masugid na kaanib ng Iglesia ni Cristo (Manalo). Doon po sa kanila ay especial po akong pinag doctrina sa kanilang ministro.
Sa totoo lang po ako po’y sinsero at siryoso sa pakikinig sa mga aral at turo ng ministro sa akin dahil gusto kong matutunan ang aral ng Dios at nais kong matugonan ang mga pagkukulang ng simbahang Katoliko sa akin. Bukas loob ko pong tinanggap ang mga aral ng Iglesia ni Cristo (Manalo) dahil napagtanto ko pong ito’y tunay, biblical at logical po.
Pagkatapos kong madoctrinahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) nagpabinyag po ako para maging kasapi ng samahang animo ko nooy sugo ng Dios para sa sanlibutan. Doon po kami nagpabinyag sa Graham Avenue sa simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) at natatandaan ko pa po noong araw na mahigit 30 kaming bininyagan. At mula noon aktibo po akong nagsimba sa simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo).
Sa awa ng May Kapal natapos ko ang pag-aaral ko at sa taon ding yon (1987) pumunta ako sa Suba Masulog Lapu-lapu city para magtrabaho. Nakapasok po ako bilang isang driver sa motorsiklo. At doon sa Lapu-lapu city naghanap ako ng simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) para mapakain kopo ang kaluluwa ko ng mga aral ng Dios. At sa awa ng Dios nakakita ako ng simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa may Karahay Gun-ob Lapu-lapu City. At doon na ako nagsisimba sa may Karahay Gun-ob sapagkat ito lang ang pinakamalapit na simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa aming lugar.
Bilang kasapi po ng Iglesia ni Cristo (Manalo) na itanim ko po sa puso’t isipan ko na ang mga aral ng Katoliko ay aral ng Demonyo at kontra po ang mga aral Katoliko sa Biblia.
Sa taong 1989 nakita ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso. Ang pangalan po niya ay si Fedela Angana, isa pong Katoliko. Dahil sa sinsiro po ang pag-ibig ko kay Fedila hiningi ko po ang kanyang kamay at sa awa ng Dios pumayag sya sa mga mithiin ko sa kanyang maging isang kabiyak.
Ang malaki ko pong problema ay ang mga magulang ni Fedila dahil gusto nila na sa Simbahang Katoliko kami ikasal. Dahil nga po sa mataas kung pag-mamahal kay Fedela nagpakasal po ako sa akala ko noo’y simbahan ng demonyo para lang maangkin ang babaeng tinitibok ng aking puso. Kinasal po kami noong May 6, 1989 sa Sambuwan Cebu City sa simbahan Katoliko.
Nanirahan po kami sa bahay ng aking ina sa Suba Masulog Lapu-lapu City. Nang sa unang mga linggo ng aming pagsasama hinayaan ko munang nag simba si Fedila sa simbahang Katoliko sa Virgin dela Regla Parish. Peru ang pagkabagabag sa loob ko ay nandyan at parating kumakatok upang himukin ko ang asawa ko na wag nang sumaba sa mga dios-diosan at tuwirang talikoran ang pagiging Katoliko na puno ng aral ng mga demonyo.
July 1989 sinimulan kung himukin ang asawa ko sa pag-asang maligtas ko sya sa kapahamakan at maisalba ang kaligtasan nito. Pina doctrinahan ko kaagad si Fedila sa mga aral ng Iglesia ni Cristo (Manalo) para mahimok syang iwanan ang kanyang pagiging Katoliko. Personal ko talagang kinukuha ang ministro para mapa rating ng mabilis ang magandang balita sa asawa ko (Kay Fedela) at para kasuklaman niya ang kanyang pagiging Katoliko na nag totoro ng mga aral ng demonyo. Subalit hindi kaagad naniwala ang asawa ko sa mga aral ng Iglesia ni Cristo (Manalo), at halos gabi-gabi kaming nag-aaway para lang mahimok ko sya (Fedela) sa inaakala ko nooy katutuhanan. Nang lumaon, (siguro sawa na ang asawa ko sa pag-aaway namin) iniwan rin niya ang kanyang pananampalatayang Katoliko at ang pagka Katoliko mismo!
Nang matapos ni Fedila ang mga doctrina ng Iglesia ni Cristo (Manalo) nag pabautismo siya noong August 25, 1989 sa simbahan na Iglesia ni Cristo (Manalo) sa Gen. Maxilum Avenue, Cebu City.
Walong taon po kami bilang kasapi ng Iglesia ni Cristo (Manalo) at aktibo po kami sa pagsimba. Sa loob ng walong taon natutunan kong kasuklaman ang mga aral ng Katoliko sapagkat ang mga ministro ay parating nagpapaalala sa amin sa mga maling aral ng Iglisia Catolica, maling doctrina, ang santo Papa ay 666, mga pinatay ng mga paring Katoliko, maling relihiyon at pinagtibay nilang si Cristo ay tao lamang at hindi Dios.
Marami po kami noong mga Pasugo Magazine para mag sibling gabay sa mga pambabasang mga babasahing moral, espirtuwal at doctrinal. Sa Pasugo rin nakasaad ang maraming pang-aataki at pag-aalipusta sa mga aral Katoliko na akala ko nooy aral ng demonyo.
-PAGIGING KASAPI NG SAMAHANG ANG DATING DAAN-
Sa taong 2003 nang binuksan ko ang T.V. nakita ko si Elesio Soriano na nagsasagot sa lahat ng mga tanong itinatanong sa kanya ng mga panauhin. Lahat ng mga tanong ay masasagut nya at pawang mga biblical lahat ang kanyang mga sagot. Humanga ako sa mga aral ni Eli Soriano at nakita ko na may mga maling aral pala ng Iglesia ni Cristo (Manalo). Dahil sa paghanga ko kay Eli Soriano at pag diskobre ng bagong katotohanan ng kaligtasan na mali pala ang Iglesia ni Cristo (Manalo) iniwan ko ang ang pagiging kasapi ng Iglesia ni Cristo (Manalo). Dala ang pamilya ko, pumunta ako sa meeting place ng samahang Ang Dating Daan (Members Church of God) sa Basak Lapu-lapu City. Mula noon hindi na ako pumupunta sa simbahan ng Iglesia ni Cristo (Manalo) para mag samba.
Sa kadahilanang hindi na ako nag sisimba sa Iglesia ni Cristo (Manalo) pinuntahan po kami ng pamilya ko sa punong ministro ng Central ng Cebu na si Rizalito Ocampo para himukin akong manood sa kanilang programa sa T.V. ngunit sa kadahilanang hindi na ako kombinsido sa aral ng Iglesia ni Cristo (Manalo) hindi ako na nood sa kanilang programa. Mga limang buwan rin akong aktibo sa samahang Ang Dating Daan hanggang naka debate ko ang isang kasapi ng Catholic Faith Defender na kasama ko sa pagiging driver ng motorsiklo.
-Akala Ko Aral ng Demonyo – Aral Pala ni JesuCristo-
Kasama ko si Vicente Ochea (isang kasapi ng Catholic Faith Defenders) bilang isang driver ng motorsiklo. Sa mga oras na wala kaming gaanong pasahiro nag uusap kami ni Vicente patungkol sa relihiyon at mga aral ng Katolisismo. Noong una gusto kung ma e share sa kanya ang nalalaman ko patungkol sa mga maling doctrina ng Katoliko ngunit nang lumaon halos si brad Vicente na ang mag share sa nalalaman nya sa doctrina ng Katoliko bilang isang Catholic Faith Defender.
Paminsan minsan ang pag uusap namin ni brad Vicente ay humahantong sa debate, subalit malogod syang sumasagot sa mga ataki at tanong ko sa kanya-sagot lahat! Pag siya na ang nag tatanong sa akin karamihan sa mga tanong nya hindi ko masasagot. Dito napag tanto ko na kailangan talaga ako mag-aral dahil parati akong natatalo sa aming discussion.
Hanggang dumating si brad Flori Soterol na bago palang graduate ng apologetics course ng Catholic Faith Defenders nakipag usap ng masinsin sa akin upang himokin ako na mali ang stand ko at relihiyong kinaaniban ko. Itong anak ni brad Fluri na si Julius Soterol at ang anak ko nasi Reynald Estampa ay mag kaklasi sa elementarya hanggang sa high school. Sa kadahilanang kaibigan ang mga anak namin, naging magkaibigan rin kami ni brad Fluri. Tulad rin ni brad Vicente si brad Fluri na magiliw sumasagot sa mga tanong ko at hinahambing namin ang mga aral ng Katoliko at ang Dating Daan na bago palang naitatag na relihiyon.
Sa kadahilanang logical at biblical ang kanilang mga sagot sa mga tanong ko, binuksan ko ang puso ko sa aral ng Katoliko at nag attain ako sa isang Bible Study ng Catholic Faith Defenders. Pagkatapos kong marinig ang mga stand ng Catholic at ang kanilang doctrina ipinasya kong pabinyagan ang mga anak ko sa Simbahang tunay na itinatag ni Cristo sa 33 A.D.
Salamat sa mga Katekista na tumulong sa pagpabinyag sa mga anak ko para maging kasapi na sila sa tunay na iglisiang itinatag ni Cristo-ang Simbahang Katoliko! Ang bunso kong anak ang unang nabinyagan namay limang taong gulang. Ang mga anak ko na sina Reynald (16 taong gulang), Loui (14 taong gulang) at si Gladies (11 taong gulang) ay nagsiminar muna sa mga Katekista upang toroan sa mga dasal, doctrina at gawaing moral bilang isang Katoliko. Pag katapos nila ng siminar nagpabinyag ang mga anak ko sa tunay na Iglisia itinatag ni Cristo-ang Igilisia Catolica.
Bumalik ako sa pagiging Katoliko hindi sa dahilang akoy natalo sa debate kundi iwinaksi ko ang pride ko at tinimbang maiigi ang mga argumento ng bawat panig. Sa pamamagitan ng maintim na pagdasal itiniro ng Espirito Santo sa aking kaluluwa kung sino ang nasa katotohanan. Ang akala ko nooy aral ng demonyo- aral pala ni Jesu Cristo!
Mga kapatid hindi ako nagsasabing tularan ninyo ako. Hindi ako nakikialam sa mga gawain ninyo ano man ito at hindi ako nagsasabing mali kayo at ako’y tama. Karapatan ninyong husgahan ang pananampalatayang Katoliko, karapatan ninyong kasuklaman ang aral Katoliko at karapatan ninyong himukin ang iba na sumama sa inyo katulad ng ginawa ko noon. Subalit karapat-dapat na timbangin n’yo muna ang mga paghuhusga ninyo, maging bukas ang inyong puso at ang pagdarasal ng taimtim--natitiyak ko pong kayo’y gagaya rin sa akin.
Sa kasalukoyan akoy nakikinig parin sa mga bible study ng Catholic Faith Defenders sa (VDR) Lapu-lapu Chapter sa pangunguna ni brad Fernando YbaƱez at sa lahat ng kanyang kasamahan. Nawa’y dadami ang Catholic Faith Defenders na magdadala sa mga kapatid nating hindi Katoliko sa tamang landas at para matoroan ang mga Katolikong walang alam sa kanilang Doctrina.
Salamat.